Ibinalik na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang limang araw na workweek simula ngayong Lunes, Hunyo 1.
Ito ay matapos lagdaan ni DOLE Sec. Francis Tolentino noong Mayo 28 ang isang memorandum na nag-aatas na ibalik ang standard workweek sa lahat ng tanggapan ng ahensya.
Matatandaang isinailalim ang DOLE sa compressed workweek bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 114 ng Office of the President para makatipid sa kuryente.

