Nagsasagawa ng earthquake drill ang Department of Justice ngayong Huwebes, Hunyo 18 bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng ahensya sa oras ng lindol at iba pang kalamidad.
Ayon sa DOJ, lalo pang naging mahalaga ang mga ganitong pagsasanay matapos maranasan ng ilang bahagi ng Mindanao ang malakas na 7.8 magnitude na lindol na nagdulot ng pinsala sa mga imprastraktura at nakaapekto sa maraming komunidad.
| via Earlo Bringas

