Ipinasisira ng Department of Agriculture ang mahigit 650 metriko tonelada ng pulang sibuyas mula sa China matapos mapatunayang bulok na at hindi na ligtas kainin.
Ayon sa DA, nasa 26 na shipping container ng sibuyas ang naiwan sa Manila Port mula Disyembre 2025 hanggang Enero 2026. Naglalaman ito ng 72,215 sako na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱86.7 milyon.
Dahil dito, pinaiimbestigahan ng ilang mambabatas kung bakit iniwan ang kargamento at hindi nabayaran ang tinatayang ₱9.7 milyong buwis at iba pang bayarin.



