Umabot sa 300 toneladang basura mula sa Baclaran estero sa Parañaque City ang nahakot matapos itong maipon sa daluyan ng tubig dahil sa walang tigil na malalakas na pag-ulan sa Metro Manila.
Sa dalawang araw na paglilinis, mahigit 50 truck na ang napuno ng mga basurang nahakot mula sa estero. Gumamit din ang mga awtoridad ng floating trash boom na hinihila ng dredger upang makatulong sa pag-alis ng basura.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ipinapakita ng insidente kung gaano kalala ang problema sa basura sa bansa, na tinawag niya nang “garbage crisis.”
📸: John Rey Marasigan

