HINDI DAW MALALA ANG BAHA?
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na epektibo raw ang isinasagawang dredging operations sa Las Piñas City matapos niyang inspeksyunin ang mga flood mitigation efforts doon kahapon ng Martes, Agosto 11.
Ayon sa Pangulo, hindi na umano ganoon kalala ang pagbaha sa lugar kumpara noon.
Matatandaang nagdeklara ng state of calamity ang ilang bahagi ng Bulacan, Rizal, Cavite, Pangasinan, at Cebu dahil lubog sa baha ang kanilang lugar.
Marami rin lugar sa bansa ang matinding binaha gaya ng Parañaque, Pampanga, Bataan, at Nueva Ecija.


