Nasawi ang tatlong magkakapatid matapos makuryente sa kanilang inuupahang bahay sa Brgy. Pinyahan, Quezon City noong Biyernes, Hulyo 10.
Sa paunang imbestigasyon, unang nakuryente ang 15-anyos na babae habang nagsasampay ng damit sa bakal na sampayan sa ikalawang palapag ng bahay. Habang sinubukan siyang tulungan ng dalawa niyang kapatid na may edad 12 at 19, ngunit nakuryente rin ang mga ito.
Agad silang isinugod sa East Avenue Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival. Sa inspeksiyon ng Meralco, natuklasang may grounded na circuit breaker na nakakonekta sa air conditioner ng bahay.
📸: QC Kamuning Station

