Pansamantalang isinara ang nasunog na Culiat Bridge II, Congressional Avenue, Brgy. Bahay Toro sa Quezon City habang nagsasagawa ng technical assessment.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), nagsasagawa na sila ng mga temporary repair at pag-aaral para sa full rehabilitation ng tulay, katuwang ang Quezon City Government.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog nitong Hulyo 11 kung saan natupok ang 46 kabahayan na nasa ilalim ng tulay.
📸: DPWH




