Tinatayang 2,500 Pilipinong tripulante ang nananatiling stranded sa Persian Gulf dahil naantala ang komersyal na paglalayag sa Strait of Hormuz dahil sa panibagong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ligtas naman ang mga Pilipinong tripulante at patuloy na nakatatanggap ng pagkain, tubig, at regular na sahod habang naghihintay na maging maayos ang sitwasyon.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang DMW sa mga manning agency, shipowners, at international maritime organizations para matiyak ang seguridad ng mga apektadong tripulante.
📸: AFP

