Umabot na sa 27 katao ang nasawi, habang 22 ang nasa kritikal na kondisyon matapos ang malakas na pagsabog sa isang sikat na pub sa Chatuchak District, Bangkok, Thailand nitong Linggo ng gabi, Hulyo 12.
Batay sa mga paunang ulat, mabilis na napuno ng makapal na usok ang establisimyento matapos sumiklab ang sunog sa bahagi ng entablado, dahilan upang maraming customer ang ma-trap sa loob.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng insidente.
📸: Reuters

