Nagpatupad muna ng alternative delivery mode (ADM) ang Manaoag National High School sa Pangasinan matapos makatanggap ng shooting threat ngayong Biyernes, Hulyo 17.
Ayon sa local government unit, kumalat ang isang malisyosong Facebook post kung saan nagbanta sa isang paaralang may initials na "MNHS."
Hindi tinukoy sa post kung anong paaralan ito, ngunit bilang pag-iingat ay agad na nagsuspinde ng face-to-face classes ang paaralan. Wala namang natukoy na anumang banta sa paaralan ang mga awtoridad.
📷: Manaoag High Today


