Inalis sa serbisyo ang apat na pulis kabilang ang hepe ng Baliwag City Police Office nang magkamali sila sa hinuling suspek sa Baliwag, Bulacan.
Ayon sa biktima, nilapitan umano siya ng apat na pulis at pilit na isakay sa isang kotse. Walang naipakitang warrant o kaukulang dokumento ang mga pulis kaya nagpumiglas ang biktima.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, hindi umano sinunod ng mga pulis ang standard operating procedure sa pag-aresto at napag-alaman din na nagkamali ng inaresto ang pulisya.
Isinuko na ng nasibak na mga pulis ang kanilang firearms habang gumugulong ang imbestigasyon.
📸: PNP

