ABISO SA MGA MOTORISTA.
Asahan ang posibleng mabagal na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Congressional Avenue dahil pansamantalang sinarado ang Culiat Bridge kasunod ng sunog noong Sabado ng gabi, Hulyo 11, ayon sa Quezon City LGU.

Mananatiling sarado ang tulay habang isinasagawa ang structural inspection upang matiyak na ligtas itong daanan ng mga motorista.

Naglatag na rin ang lokal na pamahalaan ng mga alternatibong ruta para sa mga motorista habang nagpapatuloy ang inspeksiyon at pagkukumpuni ng tulay.
📸: Quezon City Government


