Isa nang tropical depression ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Namataan ito sa layong 1,275 km Silangan ng Eastern Visayas na may taglay na hangin na 55 km/h at pagbugsong umaabot ng 70 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.
📸: PAGASA


