Naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang taxi driver at operator matapos umanong maningil ng ₱200 kada kilometro sa isang pasaherong PWD mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Batay sa paunang imbestigasyon ng LTO, hindi rehistrado sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taxi at may mga dati nang paglabag sa batas-trapiko ang driver.
Dahil dito, isinailalim sa 90 araw na suspensyon ang lisensya ng driver habang iniimbestigahan ang insidente.
: LTO



