Sumiklab ang malaking sunog sa Jakarta Regional Revenue Agency building sa Jalan Abdul Muis, Central Jakarta, Indonesia, nitong Biyernes ng gabi, Agosto 7.
Umabot sa 20 fire engines at 100 personnel mula sa Jakarta Fire and Rescue Service ang ipinadala upang apulahin ang apoy na tumupok sa itaas na bahagi ng gusali.
Pansamantalang isinara ang ilang kalsada sa paligid ng lugar habang nagpapatuloy ang firefighting at cooling operations hanggang nitong Sabado ng madaling araw, Agosto 8.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog at kung may mga nasawi o nasugatan sa insidente.
📹: RT News


