Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa loob ng 30 araw ang North Genesis Bus Company dahil sa nangyaring aksidente sa Baguio City na ikinasawi ng isang konduktor at ikinasugat ng anim na iba pa.
Bumangga ang bus sa nakatigil na truck dahil umano sa mechanical malfunction.
Naglabas din ng show cause order ang LTFRB at isasailalim sa drug test at inspection ang mga driver ng kumpanya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
| via Freddie Rulloda


