Sugatan ang isang 34-anyos na lalaki matapos sumabog ang improvised explosive device na kaniyang hawak habang nakasakay sa kaniyang motorsiklo sa gilid ng Sta. Ana Market sa Pedro Gil Street, Barangay 879, Sta. Ana, Maynila, nitong Lunes ng gabi, Agosto 3.
Batay sa paunang imbestigasyon, may pinulot umanong bagay ang biktima na kaniyang nakita sa labas ng kanilang tirahan na akala niya ay vape. Ito pala ay isang IED component na kaniyang kinakalikot bago biglang sumabog na nagdulot ng tama sa kaniyang magkabilang kamay at tiyan.
Agad siyang naisugod sa ospital at nakatakdang operahan. Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya kung anong uri ng bagay ang sumabog. | via Jim Tejano
📽️: Sta. Ana Police

