Sa unang bahagi ng buwan ng Hunyo ay lumitaw ang usapin na ipadadala ng Amerika ang mga Afghan refugees nila dito sa Pilipinas na ang bilang ay humigit kumulang 60,000 katao. May balita na ito ay nabanggit na ni President Joe Biden kay Pangulong Bongbong Marcos noong huli siyang bumisita sa Amerika.
Subalit, wala namang napabalita na ito ay tinanggap ni Pres. Bongbong Marcos, kundi nito na lamang nang ini-lobby sa ating gobyerno ng Ambassador sa Amerika ng Pilipinas na si Jose Manuel "Babe" Romualdez ang kahilingan na ito ng Amerika. Ang alin? Na dumito muna sa ating bansa ang mga Afghan refugees habang ang kanilang immigrant visa ay pina-process. Samakatuwid ay gagawing "clearing house" ang bansa natin ng mga Kano para sa mga imigranteng ito.
Wala namang masama kung tayo ay tumanggap ng mga refugees dahil sa kawalan nila ng matitirhan dulot ng giyera o paguusig mula sa kanilang bansa. Maaalala na sa panahon ng mga nagdaang Pangulo natin na sina Manuel Quezon, (mga Hudyo) Elpidio Quirino, (ethni Russians), Ferdinand Marcos, Sr (Vietnamese), Joseph Estrada (Iranians) at maging ang dating Pangulong Rodrigo Duterte (Rohingya) ay tinanggap nila with open arms ang mga nabanggit na mga refugees.
Subalit ang pagkakatanggap nila sa mga ito ay nasa kontekstong "humanitarian reason" at hindi dahil sa idini-demand o tinutulak sa atin ng kung sino mang bansa.
Kung matatandaan natin, ang mga Afghan refugees na ito ay mga tumakas sa kanilang bansa ng mahulog ito sa kamay ng mga Taliban forces na matagal nang kinakalaban ng Amerika simula pa noong 2001. Subalit, noong naging malakas sila upang sakupin muli ang Afghanistan ay winithdraw ni Pangulong Joe Biden ang American troops kasama ang mga Amerikanong nagtatrabaho doon.
Humabol ang mga kawawang Afghans na makasama sa paglikas ng American troops dahil ayaw na nilang maranasan ang kalupitan ng mga Taliban. Subalit hindi sila naisama at kapahamakan ang inabot nila sa mga Taliban forces. Subalit may mga Afghan refugees nga raw na nakapag-apply ng immigrant visa sa Amerika at kung bakit dito sa ating bansa ipa-process ang kanilang immigrant visas ay isang abstract issue sa akin.
Papaano ngayon kung hindi naaprubahan ang kanilang immigrant visas? Ano ang mga magiging kalagayan nila? Mamamalagi na lamang ba sila sa Pilipinas for an indefinite period? Mapapa-deport ba natin sila kung sakali man na nakagawa sila ng paglabag sa bansa? Saan ide-deport? At pwede kaya? Kung ganiyan karami, kaya ba natin tustusan ang gagastusin sa deportation nila? Gayundin ang paglingap sa kanila. May budget ba ang Amerika para sa mga ito for let's say tatagal ng limang taon?
Ang totoo ay walang ibinigay ang U.S. na guarantee na mabibigyan sila ng immigrant visa. Mayroon na bang naisagawang background check sa mga diumanong Afghan refugees na ito? Sapagkat may samut-saring mga balita na hindi talaga refugees ang mga ito—kundi mga U.S.-trained Afghan workers na naglingkod o nagbigay serbisyo sa Amerika noong sila ay nasa Afghanistan pa. Gaano ito katotoo?
Dahil sa iba pang mga katanungan na nangangailangan ng malinaw na kasagutan ay napuna ito ni Senator Imee Marcos kung kaya nagpatawag siya ng senate hearing upang masusing maimbestigahan ang ukol sa isyung ito.
Advertisement
Ang unang dapat malaman natin ay bakit dito sa Pilipinas ipadadala ang mga refugees na ito? Bakit hindi sa mga kalapit bansa ng Afghanistan o kaya sa mga teritoryo ng Amerika? Kaalyado tayo ng Amerika, subalit hindi naman tayo teritoryo nito. Ito ba ay sa dahilan na walang ibang bansa na tumanggap sa mga ito? Bakit? Komo ba sinabi ng Amerika, payag agad sila?
Tama si Senator Imee Marcos. Dapat na maging maingat tayo ukol sa bagay na ito sapagkat alam naman natin na laging nasa isipan ng mga Kano ay ang self-interest nila. Dahil ba ang bansa natin ay naging tambakan na ng mga refugees noon pang panahon ni Pangulong Manuel Quezon ay sigurado ang mga Kano na malugod nating tatanggapin ang planong ito nila?
Mauunawaan natin na ang mga pangyayari noon ay higit na kakaiba kaysa sa ganitong eksena. Ang nangyayari ngayon ay nasa kontekstong hindi malinaw. Bagay na nababalot sa secrecy o may tila baga isang bagay na tinatakpan upang maitago ang lihim na layunin. Yan ang nakikita ni Manang Imee. Ayaw na may “secret”— gusto niya transparent. Sangayon ako diyan.
Isa pa, sa aking pananaw, ay wala naman tayong bahagi o kinalaman sa ginawang ito ng Amerika sa Afghanistan. Pananagutan nila ito. Iniwan ng mga Kano ang mga taong ito habang tinatakasan nila ang kanilang kalaban na Taliban. Kaya nandito ang mga sundalong Amerikano ay upang mabigyan ng seguridad ang mga Afghans laban sa mga Taliban ngunit sa tanggapin o hindi ay bigo sila. Pinauwi na sila. Sa tagal nila rito ay hindi nagawa ng Amerika ang plano nila na ibangon muli ang bansang ito na naging venue ng mahigit 20 years na paglalabanan. Sino ang nagpalakas o bakit lumakas pa ang mga Taliban?
Magkaroon naman sana tayo ng respeto sa ating bansa. Walang self-respecting country na kaagad tatanggapin ang utos ng Kano kundi lumalabas na parang tayo lamang. Kung ang mga Afghans na ito ay humingi ng tulong sa gobyerno natin, pwede pa, pero ito ay isang tuwirang utos sa atin ng mga Kano na pinangunahan ni Ambassador Babe Romualdez. Tandaan natin na tanging sila lamang ang may pananagutan nito. Ano sa palagay n’yo? Payag ba tayo sa planong ito ni Pres. 'Sleepy' Joe Biden?
Habang ongoing ang debate kung tatanggapin natin ang request na ito ng mga Kano o hindi, may nagcomment sa vlog ni International Relations Expert/Political vlogger na si Sass Rogando Sasot na mukhang palihim na naipasok na ang ilan na sa mga tinatawag na Afghan refugees na ito sa bansa.
Ang nagcomment ay isang employee ng Manila International Airport Authority (MIAA) na naging concerned sa mensahe ng kanyang kaibigan na nasa MIAA Control Center na isang US Air Force plane ang lumapag sa ating paliparan nitong Hunyo 26, Lunes, na walang advisory o handler, na tipikal na mayroon dapat kapag may lumalapag na eroplano, commercial man o military. Tila may mataas na opisyal kung gayon na nagbigay ng clearance na makalapag ang eroplanong ito.
Ang comment ay may kalakip na picture ng U.S. Airforce plane na pamilyar na ginamit din sa paglikas sa Afghanistan noong 2021. Ang scoop na ito ay nasagap ko sa isang politcal vlogger na si Caloy Roy sa kanyang vlog na Bagong Lipunan.
Pinaiimbestigahan na rin ito ni Sen. Imee (read more: https://www.net25.com/article/16893)
Tanong ko, bakit dito dinadala ng mga Kano ang mga Afghans na ito? Nakakabahala rin kung bakit ganito karami sila. Pakiramdam ko may paggagamitan ang mga Kano sa mga Afghans na ito dito sa atin. Maitim ba o mabuting balakin ito? At sino ang makikinabang? Ano sa tingin nyo?





