Paano kung isang araw, may tumawag sa iyo na nagpapakilalang taga-SEC o BIR? Alam niya ang buong pangalan mo, address, birthday, at maging ang TIN mo. Sinabi niyang may problema ang iyong records at kailangan mong magbayad agad.
O paano kung bigla kang sinisingil ng daan-daang libong pisong utang na hindi mo naman inutang?
At mas malubha, paano kung may mga pulis na kumatok sa bahay mo dahil ginamit pala ang pangalan mo sa pagbukas ng account na pinagdaanan ng pera mula sa isang scam?
Wala kang kaalam-alam. Wala kang kinalaman. Biktima ka pala ng identity theft.
Nakakatakot, hindi ba?
Mga posibleng senaryo ito ng panloloko at maling paggamit ng pagkakakilanlan kapag napunta sa maling kamay ang ating personal na impormasyon.
Nito lamang Nobyembre 9, 2026, kinumpirma mismo ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang isang data breach na kinasasangkutan ng mga gumagamit ng digital platforms nito.
Kabilang sa mga posibleng nalantad ang buong pangalan, username, email, mobile number, petsa ng kapanganakan, kasarian, address, at Tax Identification Number (TIN).
Ayon sa paunang pagsusuri ng SEC, walang indikasyong nakompromiso ang mga nakaimbak na password at hindi naapektuhan ang corporate filings. Hindi pa malinaw kung ilan ang apektado at kung paano naganap ang insidente.
Kasabay nito, iniulat ng cybersecurity advocacy group na Deep Web Konek na mahigit 10 milyong taxpayer records na umano'y mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lumitaw sa mga hacker forum. Hindi pa nakukumpirma kung tunay na nagmula sa BIR ang mga datos o kung napasok ang mga sistema nito.
May mga ulat din ng umano'y cyberattacks laban sa DICT, PCGG, DOTr, at iba pang digital systems ng pamahalaan, bagama't hindi lahat ay kumpirmadong data breaches. Hanggang Nobyembre 6, wala pang natatanggap na breach notification ang National Privacy Commission mula sa mga ahensiyang sangkot.
Hindi na ito bago. Noong 2023, tinamaan ng Medusa ransomware attack ang PhilHealth.
Magkakaibang ahensiya, magkakaibang pagkakataon, ngunit iisa ang panganib: ang pagkakalantad ng impormasyong ipinagkatiwala ng publiko.
ππ‘π πππ§π ππ¬ πππ‘ππ πππ ππ‘π ππππ. ππ§π’ ππ¬ ππ¨πππ¬.
Madaling magpalit ng password, pero hindi basta mapapalitan ang pangalan, petsa ng kapanganakan, o TIN. Kapag nalantad ang mga ito, maaaring magamit sa panloloko at identity theft kahit matagal nang naayos ang security breach.
Advertisement
At dito pumapasok ang mas malaking usapin.
Kapag ang negosyante ay hindi nakapagbayad ng buwis, may multa. Kapag lumabag sa regulasyon, maaari pang ipasara ang negosyo. Pero kapag ang mismong gobyerno ang hindi nakapag-ingat ng personal na impormasyon ng mamamayan, sino ang mananagot?
Obligado tayong magbigay ng personal na detalye sa gobyerno para sa mga transaksiyong hinihingi ng batas. Hindi natin basta maaaring tanggihan.
ππ¨π‘π π’πππππππ’ ππ‘π π ππ ππ ππ¬ππ‘π π πππππππ¬ π‘π πππ§π, π’πππππππ’ π₯ππ‘ ππ‘π ππ’ππ¬ππ₯π‘π’π‘π π£π₯π’π§πππ§ππππ‘ ππ§π’.
Walang sistemang perpekto laban sa hackers. Hindi rin awtomatikong nangangahulugan ng kapabayaan ang bawat cyberattack. Pero hindi maaaring matapos sa paulit-ulit na pangakong "iniimbestigahan na" ang bawat insidente. Kailangang malaman ng publiko kung ano ang nangyari, sino ang naapektuhan, at anong hakbang ang ginawa upang hindi ito maulit.
May Data Privacy Act na nagpapataw ng parusa sa mga partikular na paglabag, kabilang ang pagtatago ng ilang security breaches na dapat iulat. May karagdagang diskuwalipikasyon din sa puwesto para sa mga public officer na mapatunayang nagkasala sa ilalim ng batas.
May National Privacy Commission. May DICT. Ang kailangang makita ngayon ay ang malinaw na resulta ng imbestigasyon, mas mahigpit na seguridad, at pagpapatupad ng pananagutan kung may mapatunayang paglabag.
Hindi sapat ang digitalisasyon ng serbisyo kung hindi kayang pangalagaan ang impormasyong kinokolekta nito.
ππ¨π‘π π ππ¬ π£ππ₯π¨π¦π π¦π π ππ ππ ππ¬ππ‘, πππ£ππ§ π ππ¬ π£ππ‘ππ‘πππ¨π§ππ‘ πππ‘ ππ‘π π’π£ππ¦π¬ππ.
Ang personal na datos ay hindi pag-aari ng gobyerno para basta kolektahin. Ito ay ipinagkatiwala ng taumbayan. Kung may multa at pagsasara para sa negosyong lumalabag, dapat may tunay ding pananagutan ang mga opisyal na mapatutunayang nagpabaya.
Dahil sa huli, hindi lamang impormasyon ang maaaring mawala sa isang data breach. Pati kabuhayan, reputasyon, at kapanatagan ng isang inosenteng mamamayan ay maaaring masira.
At kapag nangyari iyon,




Reader comments
Comments are closed for this article.
No comments yet.