Ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) ang 139 Indonesian fugitives na itinuring na banta sa seguridad at interes ng mamamayang Pilipino.
Binubuo ang grupo ng 111 lalaki at 28 babae na dati nang nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP). Ayon sa BI, kinilala sila ng mga awtoridad sa Indonesia bilang mga pugante at idineklarang undesirable aliens sa ilalim ng immigration law ng Pilipinas.
Naglabas ang BI Board of Commissioners ng Summary Deportation Order laban sa grupo noong Nobyembre 19. Ipinatupad ito sa koordinasyon ng BI, PNP Aviation Security Group at Embahada ng Indonesia.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, pabibilisin pa nila ang pagpapa-deport sa mga dayuhang pugante upang mapangalagaan ang seguridad ng bansa.
📷 BI
