Magsasagawa na ng malalim na imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga City.
Ayon sa pulisya, nagdala ng pistol at rifle sa loob ng campus ang isang Grade 9 student at pinagbabaril ang mga kamag-aral nito. Dalawa ang nasawi dahil sa insidente, kabilang ang menor de edad na shooter.
Samantala, ni-relieve sa puwesto at isinailalim sa preventive suspension ng Bureau of Customs (BOC) ang umano’y ama ng Grade 9 student shooter. Hinala naman ng BOC na pagmamay-ari ng ama ang mga armas na ginamit sa krimen.
📷: Contributed photo

