Umakyat sa 2.50 milyong Pilipino ang walang trabaho kung saan nakapagtala ng 4.8% unemployment rate sa bansa nitong Mayo 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa latest Labor Force Survey (LFS) ng ahensya nasa 2.50 milyon ang nasa edad 15 pataas ang walang trabaho, mas mataas ito kumpara noong Abril 2026 na mayroong 2.41 milyong Pinoy ang walang trabaho at 4.7% unemployment rate.
Bumaba rin ang employment rate ng bansa sa 95.2% nitong Mayo 2026.
📸: DMW



