Tue, Sep 8Tuesday, September 8, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    NET25/News Update/'Tropa-tropa kayo!': Torre at Cong. Abante, sinita ng MANIBELA sa kahina-hinalang bentahan ng SUV ng religious group
    National News

    'Tropa-tropa kayo!': Torre at Cong. Abante, sinita ng MANIBELA sa kahina-hinalang bentahan ng SUV ng religious group

    Lumutang ang isyu sa rehistradong may-ari ng SUV ni MMDA General Manager Nicolas Torre matapos matukoy na nakapangalan ito sa Metropolitan Bible Baptist Church na itinatag at pinamumunuan umano ni Congressman Benny Abante.

    M
    By Misael Dungca III
    September 07, 2026 11:00 pm
    'Tropa-tropa kayo!': Torre at Cong. Abante, sinita ng MANIBELA sa kahina-hinalang bentahan ng SUV ng religious group
    Photo: Misael Dungca III

    Lumulutang ngayon ang anggulong ang rehistradong may-ari ng kontrobersyal na SUV ni MMDA General Manager Nicolas Torre ay ang religious group ni Congressman Benny Abante.

     

    Sa panayam ng isang local news network, sinabi ni Torre na nakarehistro ang kaniyang Toyota Fortuner sa "Metropolitan Bible Baptist Church", na ayon sa website ng religious group, ay itinatag at pinamumunuan ni Congressman Abante.

     

    Wala namang indikasyon sa ibang mga lumabas na ulat na personal na pag-aari ni Abante ang sasakyan.

     

    Ayon kay Torre, nabili niya ang sasakyan sa Facebook Marketplace sa halagang P3.5 milyon.

     

    Isa si MANIBELA Chairman Mar Valbuena sa mga nagtaka na sa dinami-dami ng makakabili ng sasakyan ng religious organization ni Cong. Abante, ay si Torre pa ang makakabili.

    "Congressman Benny Abante, sana ipaliwanag niyo, kataka-taka naman sa marketplace, sa lahat ng tao, si Gen. Nic Torre pa ang makakabili. Alam ko tropa-tropa kayo nito e, diba?" pahayag ni Valbuena sa page ng MANIBELA.

     

    May mga netizen na nagtatanong kung may deed of sale o invoice na maipapakita o kung kaliwaan ba ang naging bilihan sa ganito kalaking halaga.

     

    "Sige nga, penge nga ng documentary evidence na sa marketplace na post, tapos binayaran ng P3.5 million pesos? Kasi kung wala, you cannot fault us for wondering what your connection is to Benny Abante and why their former car is with you," tanong naman ng political commentator na si Kiffy Chu.

     

    Ang SUV ni Torre ay naging kontrobersiyal matapos makunang dumaraan sa EDSA busway, madiskubreng may mismatched na plaka, nilagyan ng MMDA-markings at wangwang. 
     


    Nasa kustodiya na ng LTO ang sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Humingi naman ng tawad sa publiko si Torre at nagbayad ng P14,000 multa.

     

    Gayumpaman, hindi pa siya nagre-resign o sinisibak sa pwesto sa kabila ng malinaw na paglabag sa batas-trapiko habang nanunungkulan sa MMDA.

     

    Taliwas ito sa sinapit ng isang traffic enforcer ng MMDA noong Hulyo na dinismiss dahil sa paglabag sa EDSA busway rules.

    National News
    • No amount of political theatre can wash away the floodwaters
      OpinionSep 08, 2026 11:45 pm
      No amount of political theatre can wash away the floodwaters
    Top Stories
    1. 1
      Dating Speaker Martin Romualdez, sinilbihan ng arrest warrant sa hospital bed; kampo, naghain ng mosyon para sa kustodiya
      Sep 07, 2026 10:32 pm
    2. 2
      Walang special treatment kay dating Speaker Martin Romualdez, tiniyak ni DILG Sec. Jonvic Remulla
      Sep 07, 2026 10:20 pm
    3. 3
      Arrest warrant laban kay dating Speaker Martin Romualdez, pormal nang inihain
      Sep 07, 2026 10:10 pm
    4. 4
      Dating Speaker Martin Romualdez, naghain ng mosyon para sa hospital confinement sa Sandiganbayan
      Sep 07, 2026 9:45 pm
    5. 5
      Arrest warrant laban kay dating Speaker Martin Romualdez, inihain sa Cardinal Santos Medical Center
      Sep 07, 2026 9:15 pm
    6. 6
      Dating Speaker Martin Romualdez, dinala sa Cardinal Santos Medical Center bago isilbi ang arrest warrant
      Sep 07, 2026 9:05 pm
    News ProgramsSep 07, 2026 11:40 pm
    Iran, magpapatupad ng sanctions sa mga barkong dadaan sa bagong restricted zone sa Strait of Hormuz
  • News ProgramsSep 07, 2026 11:30 pm
    U.S. peace envoys, isinusulong ang bagong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Ukraine at Russia
  • News ProgramsSep 07, 2026 11:00 pm
    Dalawang katao, natagpuang buhay matapos ang flash flood sa Nepal
  • News ProgramsSep 07, 2026 10:50 pm
    Daang-daang flights kanselado, face-to-face classes suspendido sa Indonesia kasunod ng pagputok ng Mt. Anak Krakatau
  • News ProgramsSep 07, 2026 10:45 pm
    UN General Assembly, inaprubahan ang resolusyong nagsusulong ng mas tumpak na world map projections
  • News ProgramsSep 07, 2026 10:30 pm
    Visayas Grid, nasa red alert dahil sa kakulangan sa kuryente; Luzon at Mindanao, apektado rin ng baha at El Niño
  • News ProgramsSep 07, 2026 9:00 pm
    Pilipinas tinaguriang "Bullying Capital of the World", ikinaalarma ng Kamara
  • News ProgramsSep 07, 2026 8:50 pm
    Edward Fajarda, hindi sumalang sa impeachment trial ni VP Sara dahil sa stroke
  • News ProgramsSep 07, 2026 8:45 pm
    State of calamity, idineklara sa Butuan City at Dinagat Islands dahil sa El Niño
  • News ProgramsSep 07, 2026 8:40 pm
    Leptospirosis epidemic, idineklara sa Maynila bunsod ng pagdobleng kaso
  • News ProgramsSep 07, 2026 8:30 pm
    Epidemic ng leptospirosis, idineklara sa Maynila matapos dumoble ang mga kaso
  • News ProgramsSep 07, 2026 8:15 pm
    Ombudsman, pormal nang sinampahan ng kasong plunder si dating Speaker Martin Romualdez dahil sa ₱7.4-B kickback
  • Kampo ni dating Speaker Romualdez, naghain ng mosyon para sa hospital confinement sa Sandiganbayan
    Breaking NewsSep 07, 2026 8:00 pm
    Kampo ni dating Speaker Romualdez, naghain ng mosyon para sa hospital confinement sa Sandiganbayan
  • Dating Speaker Martin Romualdez, arestado na sa kasong plunder; kampo, humiling ng hospital arrest
    Breaking NewsSep 07, 2026 7:45 pm
    Dating Speaker Martin Romualdez, arestado na sa kasong plunder; kampo, humiling ng hospital arrest
  • Romualdez, arestado sa ospital
    National NewsSep 07, 2026 7:25 pm
    Romualdez, arestado sa ospital
  • SILG Jonvic Remulla, dumating na rin sa Cardinal Santos Medical Center para sa warrant kay Martin Romualdez
    Breaking NewsSep 07, 2026 7:20 pm
    SILG Jonvic Remulla, dumating na rin sa Cardinal Santos Medical Center para sa warrant kay Martin Romualdez
  • CIDG, nasa Cardinal Santos Medical Center na para magsilbi ng warrant kay Martin Romualdez
    Breaking NewsSep 07, 2026 7:05 pm
    CIDG, nasa Cardinal Santos Medical Center na para magsilbi ng warrant kay Martin Romualdez
  • Kumukulo na
    OpinionSep 07, 2026 6:45 pm
    Kumukulo na
  • Legarda at Leviste, itinuturing na "big fish" ng Ombudsman sa imbestigasyon sa solar projects
    Sep 07 2026 06:40 pm
    Kasong plunder sinampa ng Ombudsman laban kina Martin Romualdez, Zaldy Co at iba pa
    Sep 07 2026 06:35 pm
    Kinuwestiyon ni VP Sara ang pagtungo ng awtoridad sa tahanan ng pamilya para sa warrant
    Sep 07 2026 06:30 pm