Arestado na si dating House Speaker Martin Romualdez matapos ihain ng PNP-CIDG ang warrant of arrest para sa kasong plunder na may kinalaman sa umano'y P56-bilyong ill-gotten wealth na nakuha sa flood control projects scheme. Naghain naman ng mosyon ang kaniyang kampo para sa continued hospital confinement. Kasalukuyang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan ang kongresista.
