Maaaring manatili ng hanggang dalawang araw si Sen. Rodante Marcoleta sa Philippine National Police General Hospital matapos makaranas ng chest pain, ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla.
Patuloy pa siyang sinusuri ng mga doktor upang matukoy kung maaari na siyang humarap sa paglilitis sa Sandiganbayan at ilipat sa New Quezon City Jail.
Nahaharap si Marcoleta sa kasong plunder kasama sina dating mambabatas Mike Defensor at mga negosyanteng sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu.



