Pinayuhan ni Vice President Sara Duterte si PCO Usec. Claire Castro na maging propesyonal bilang spokesperson.
Bwelta ito matapos tawaging "baseless" at "nonsense" ni Castro ang pahayag ni Duterte na umano'y tuta ng International Criminal Court (ICC) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Duterte:
"The fact na spokesperson ka, at mayroong seal ng Office of the President diyan, dapat maging propesyonal ka sa mga sinasabi mo. She doesn't have the liberty na tulad sa atin, na puwedeng magsalita ng kahit ano'ng iniisip natin at kahit ano'ng opinyon natin, kasi nagsasalita tayo para sa sarili natin."

