Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte na naging masaya ang kaniyang mga pagbisita sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at hindi pa rin umano nawawala ang sense of humor nito.
Sinabi rin ng bise presidente na bagaman may mga health issues ang dating pangulo, natutugunan naman umano ang mga ito habang nasa detention.
