RIDER, NAGULUNGAN NG 10-WHEELER TRUCK.
Nasawi ang isang 21-anyos na babaeng rider matapos masagasaan ng 10-wheeler truck sa Amlan, Negros Oriental.


Ayon sa pulisya, nag-overtake umano ang rider sa truck habang nasa tulay sa Barangay Bio-os nang sumagi ang kaniyang motorsiklo sa bahagi ng tulay, dahilan para mawalan siya ng balanse at tumilapon patungo sa hulihang gulong ng truck.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
📸: Paira DJ Tolits
