WILDFIRE SA SPAIN.
Nasunog ang humigit-kumulang 35 ektarya ng lupa matapos sumiklab at mabilis na kumalat ang wildfire sa Collserola Natural Park malapit sa Barcelona, Spain nitong Martes, Agosto 25.
Umabot sa Torre Baró at Ciutat Meridiana ang apoy kaya inilikas ang nasa 25 residente, habang humigit-kumulang 14,000 katao ang pinagbawalang lumabas ng kanilang mga tahanan.
Tinatayang 160 bumbero, kabilang ang specialized forest-fire crews, ang rumesponde. Nakatuwang rin ang 12 eroplano at helicopter para apulahin ang apoy.
📽️: Noticieroslv