BFP PERSONNEL, ARESTADO SA "SLOT FOR SALE" SCHEME.
Nahuli ng mga pulisya ang isang babaeng Bureau of Fire Protection (BFP) personnel na umano’y humihingi ng ₱500,000 kapalit ng slot sa BFP recruitment.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli ang suspek sa entrapment operation sa Pampanga habang tinatanggap ang pera. Lumitaw din umano sa imbestigasyon na may apat pang aplikanteng siningil ng tig-₱100,000.


Sinabi ng BFP na sinibak na sa pwesto ang suspek at sinimulan na ang administrative case at summary dismissal proceedings.
Iniimbestigahan din ang isang mataas na opisyal ng BFP na umano’y sangkot sa nasabing scheme. | via Vic Somintac
📸: PNP-CIDG
