Naglabas ng show cause order ang Supreme Court En Banc laban kina Rep. Jesus “Bong” Suntay at Atty. Ferdinand Topacio kaugnay ng kanilang mga pampublikong pahayag sa pagdinig ng House Committee on Justice tungkol sa mga impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, kung saan kabilang ang kanilang mga naging komento tungkol sa aktres na si Anne Curtis.

Sa anim na pahinang resolusyon, sinabi ng korte na itinuturing itong pormal na administratibong kaso para sa posibleng disbarment ang mga reklamong inihain laban sa dalawa.


Inatasan din silang magsumite ng paliwanag sa loob ng sampung araw kung bakit hindi sila dapat mapatawan ng parusang disbarment. | via Earlo Bringas



📸: Supreme Court PH



