Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng umano’y “secret meetings” ng mga kamag-anak ng nawawalang sabungeros at mga dismissed na pulis na sangkot sa kaso.
Na-relieve na rin sa puwesto ang dalawang pulis dahil sa umano’y panghihimasok sa imbestigasyon.
Inireklamo rin ng ilang complainant na may mga umatras umano sa kaso kapalit ng buwanang pinansyal na ayuda.



