Ipinagpapatuloy ng Iglesia Ni Cristo ang proyektong Lingap sa Mamamayan sa iba't ibang komunidad sa Mindanao na hinagupit ng magnitude 7.8 na lindol. Bigas, inuming tubig, at iba pang tulong ang ipinagkaloob sa mga labis na naapektuhan sa mga bayan ng Malapatan at Glan, Sarangani.
