MAY NOTES NA BINABASA.
Kinuwestiyon ni Senator Judge Erwin Tulfo ang paggamit ng notes ng witness sa ikalawang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Martes, Hulyo 7, at iginiit na dapat tiyaking ang testimonya ay nakabatay sa sariling kaalaman ng testigo at hindi lamang sa binabasang "notes."
Tinanong rin ni Tulfo kung bakit hindi nabigyan ang depensa ng kopya ng notes na ginagamit ng testigo sa impeachment trial para sa layong magkaroon ng patas na access ang magkabilang panig sa anumang dokumentong pinagbabatayan sa isinasagawang pagdinig.


