Ipinagpaliban muna ang rematch nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na dapat ay gaganapin sa Setyembre 2026.
Ayon sa kampo ni Pacquiao, nahaharap ang kampo ni Mayweather sa "federal lawsuits, scheduling overbooks, and financial gridlock."
Ikinadismaya rin ni Pacquiao ang pahayag ni Mayweather na "exhibition" lamang ang kanilang laban. Iginiit niyang dapat tandaan ni Mayweather na isang tunay na rematch ang kanilang gagawin batay sa nilagdaang kontrata.
📷: Netflix

