Patuloy pa rin ang malalakas na bugso ng hangin sa Laguna corner F. Huertas St., Manila habang unti-unti namang humuhupa ang baha ngayong Lunes, Agosto 10.
Gayunpaman, naiwan ang makapal na putik at ilang bahagi ng kalsada na lubog pa rin sa tubig-baha. Sa kabila ng pagbuti ng sitwasyon, patuloy pa ring nag-iingat ang mga residente dahil sa mga naiwang epekto ng pag-ulan na dala ng habagat. | via Hannah Dominique Santos


