Pinayagan ng Regional Trial Court sa Lapu-Lapu City, Cebu na makapagpiyansa ng P1 milyon ang kontratistang si Sarah Discaya para sa kasong malversation of public funds at paglabag sa anti-graft law kaugnay ng umano'y ghost project sa Davao Occidental.
Ayon sa korte, hindi sapat ang ebidensiyang iniharap ng prosecution upang manatili siya sa kulungan habang dinidinig ang kaso.
Gayunman, hindi pinagbigyan ang walong iba pang akusado dahil matibay umano ang ebidensya laban sa kanila.
Samantala, nahaharap pa rin si Discaya sa hiwalay na non-bailable na kaso kaugnay ng umano'y P53.9 milyong ghost project sa Calumpit, Bulacan.
📸: Senate file



