Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang gurong si Barry Tayam upang humiling ng temporary restraining order (TRO) laban sa memo ng Department of Education (DepEd) na magbabawas sa ABM, STEM, HUMSS, at GA strands sa Senior High School.
Sa ilalim ng bagong sistema, magiging dalawa na lamang ang pangunahing track: Academic at Technical-Professional.
Giit ng petitioner, maaapektuhan umano ang kalidad ng edukasyon dahil mababawasan ang mga core subject mula 15 hanggang lima na lamang.
Hiniling din niya sa Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang memo at ipatigil ang implementasyon nito.



