Nasungkit ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena ang gintong medalya sa Raiffeisen Austrian Open matapos mahigitan ang 5.75 meter high at makapagtala ng bagong record.
Sa kabila ng malakas na hangin, tinalo niya ang mga kalaban na sina Owen Heard ng Great Britain at Dan Barta ng Czech Republic na kapwa nagtala ng 5.55 meter.
Ito na ang ikalawang sunod na gintong medalya ni Obiena ngayong linggo, matapos din siyang manalo sa Poland noong Lunes.
: EJ Obiena / IG

