Nagdeklara na ng code white alert ang Department of Health (DOH) bilang paghahanda at pagtugon sa mga posibleng epekto ng bagyong #IndayPH.
Sa ilalim ng code white alert, nakahanda ang DOH Operations Center 24/7 para sa mga gamot, medical equipment, at health emergency response teams na kakailanganin sa mga posibleng maapektuhan na lugar.
Patuloy rin ang koordinasyon ng DOH sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, mga lokal na pamahalaan, at regional disaster units.
Patuloy na nakaantabay ang DOH para matiyak ang mabilis na pagtugon at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyo. | via Madelyn Moratillo
📸: DOH



