Pinatalsik ng Office of the Ombudsman ang dating Senate Sergeant-at-Arms na si Mao Aplasca dahil sa grave misconduct at gross neglect of duty kaugnay ng pamamaril noong Mayo 13.
Ayon sa Ombudsman, hindi makatuwiran ang pagpapaputok ni Aplasca ng warning shots dahil nagdulot ito ng takot at panganib sa mga tao sa loob ng Senado.
Dahil retirado na siya, pinagbabayad siya ng multang katumbas ng isang taong suweldo na ibabawas sa kaniyang retirement benefits at iba pang benepisyong matatanggap.



