Huling namataan ang Bagyong Inday sa layong 1, 405 km silangan ng Northern Luzon, ayon sa PAGASA.
Taglay nito ang hangin na 185 km/h at pagbugsong umaabot sa 230 km/h.
Sa forecast track ng bagyo, kikilos ito pa-kanluran sa loob ng susunod na 24 na oras at maaaring lumapit sa extreme Northern Luzon pagsapit ng Biyernes, Hulyo 10 bago makalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Sabado, Hulyo 11.
Mananatili din ang lakas nito hanggang bukas bago humina bilang isang typhoon category habang binabaybay ang Philippine Sea.



