Binigyang-diin ng isang ekonomista na tila walang pangmatagalang solusyon ang gobyerno sa inflation dahil sa pagiging abala ng mga nanunungkulan sa pamumulitika.
Sa panayam ng ASPN, binatikos ng finance executive at investor relations specialist na si Cora Guidote ang aniya'y kawalan ng permanent solution ng pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation dahil sa pagiging abala ng mga mambabatas ngayon sa pulitika.
"Wala tayong long-term solution sa inflation right now," pahayag ni Guidote. "Dapat 'yan ang inaasikaso ng Congress at ng Senate pero unfortunately, ang inaatupag nila is politics right now."
Ang babalang ito ay kasunod ng ulat mula sa National Budget Memorandum ng Department of Budget and Management (DBM), kung saan itinaas ng mga economic manager ng bansa ang forecast para sa inflation sa susunod na dalawang taon.
Ayon sa DBM, labis na nakaaapekto sa ekonomiya ang patuloy na supply shocks at ang mataas na presyo ng mga bilihin sa pandaigdigang merkado na dulot ng tensyon sa Middle East.
Inaasahan din ng mga eksperto na mananatiling mababa ang halaga ng piso at patuloy na magiging mataas ang presyo ng langis sa mga susunod na buwan.
Panoorin ang interview sa ASPN:
https://www.youtube.com/watch?v=5y3IhpQ381M

