Wed, Aug 19Wednesday, August 19, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    ← OpinionNext column →
    Misael Dungca III

    Misael Dungca III

    Columnist · NET25

    Hindi waterproof at bulletproof ang mga estudyante

    Nasaan ang pananagutan ng mga namiminuno kapag ang mga estudyante ay nasa peligro?

    August 19, 20263 min read

    "Ang ibang mga guro, sila minsan ang nagtuturo sa kanilang mga estudyante kung paano maging walang modo," pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro matapos ang ikalawang insidente ng pamamaril sa loob ng eskwela sa nakalipas na halos dalawang buwan. Iyan ay nangyari isang araw matapos namang maulanan, lumusong sa baha at mahirapan umuwi ang mga estudyanteng apektado ng late na pag-aanunsyo ng suspension ng face to face classes ng mga awtoridad sa iba't ibang lugar.

    Nasaan ang pananagutan ng mga namiminuno kapag ang mga estudyante ay nasa peligro?

    ‘Wala sa lugar’

    Sa sinabi ng Palasyo, dismayado tuloy ang isang grupo ng mga guro.

    "Mukhang wala na ho yata sa lugar. Na para bang suportado niyo kami sa aming mga pagtuturo," pahayag ni Teacher Ruby Bernardo ng Alliance of Concerned Teachers.

    Ano nga ba ang pwedeng gawin ng mga kinauukulan tungkol sa mga insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan?

    Rekomendasyon ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM2), agarang pagbabago sa polisiya upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa buong bansa.

    Kabilang dito ang mahigpit na pagpapatupad ng anti-bullying policies sa lahat ng dibisyon, mabilisang pagkuha at pagsuporta sa mga guidance counselor, pakikipagtulungan sa mga LGU para sa mas mahigpit na seguridad sa mga kampus, at ang pagpasa sa School Safety Bill upang mabigyang-prayoridad ang mental health at pangkalahatang kapakanan ng mga mag-aaral.

    Sa huling SONA ng Pangulo, sinabi niyang "kailangang mamulat ang buong lipunan at akuin ang responsibilidad." Kung babalikan ang kaniyang talumpati, pagkatapos na bigyang-pugay ang katapangan ng mga naging biktima ng Tacloban shooting, wala siyang inilatag na partikular na programa para pigilan na maulit pa ito.

    Ang mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa seguridad, nagpatupad ng paghihigpit sa mga paaralan at naging mas visible pagkatapos ng insidente. Pero bakit nagkaroon ng isa pang school shooting?

    Advertisement

    Sponsored placement

    Tanong ng marami, saan nakuha ng bata ang high-powered firearm at paano ito naipasok sa bisinidad ng paaralan?

    Kaya sana, magkaroon ng konkretong plano at solusyon ang mga namiminuno para mapigilan ang karahasan; ito man ay sa aspetong seguridad, mental health ng mga kabataan at pagkontra sa bullying.

    Hindi sila katulad ng mga pulitikong gwardyado at nakasakay sa bulletproof na sasakyan.

    Hindi uso ang mag-sorry

    Speaking of sasakyan, sa usapin ng paghagupit ng non-stop na pag-ulan ay hindi rin nakaligtas ang mga motorista. Marami ang napilitang suungin ang baha, mayaman man o mahirap, matanda man o bata.

    Pwede sanang napigilan na maulanan at lumusong sa baha ang mga estudyante, kung naging maagap ang mga may kapangyarihang magsuspinde ng face-to-face classes.

    Hindi nagkulang sa abiso ang DOST-PAGASA.

    Biyernes pa lang, Agosto 14, sinabi na ng weather specialist na si Leanne Loreto na ang "potential na low pressure area ay maaaring hatakin at palakasin muli ang habagat simula Sunday [Aug. 16] onwards."

    Alas-8 ng umaga ng Lunes, nagtaas na ng yellow warning sa Metro Manila, Cavite, Zambales, Rizal, Batangas at Bataan.

    Anyare? Halos magtatanghali na nang mag-announce ang ibang LGU.

    Nasa labas na ang mga estudyante. Nabasa na ang bag at mga libro.

    Naulanan na at binaha.

    Ang netizens, hindi napigilang mangantiyaw.

    ‘Mayor, gising na!’ ‘Tulog pa ata si Mayor.’

    Sa mga ganitong kapabayaan, hindi uso sa mga opisyal na mag-sorry man lang sa kapabayaan. Okay, given na ‘yan. Nakakahiya naman kung hihingan natin sila ng accountability ‘di ba?

    Magre-request na lang kaming mga magulang. Hindi ba pwedeng agahan at agapan mga boss at madam? Kung hindi pa obvious, kawawa kasi ang mga estudyante.

    Hindi naman sila katulad ng mga pulitikong may mga tagapayong.

    Was this worth reading?
    Share

    Reader comments

    Comments are closed for this article.

    No comments yet.

    Misael Dungca III

    Misael Dungca III

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    See all columns by Misael →

    Keep reading

    Next columnEveryone’s dirty secret: Exposed by this week’s rainsBy Rikki MathayMetro Manila got a horrifying reality check this week. When 700 tons of trash swallowed a Parañaque waterway, it exposed a truth so dirty that government, big corporations, AND ordinary citizens are desperately trying to pass the blame.→

    More from Misael

    Rocket sa Cagayan, A.I. hub sa Tarlac: Ano ang kapalit?Jul 31→Malapit na kasi ang SONAJul 17→Baha, lindol, bagyo, pagputok ng bulkan: The Philippines in one weekJul 09→

    More voices in Opinion

    The Lies About Israel | According to its former SpokesmanCaesar Vallejos·Aug 17→The Problem with IsraelCaesar Vallejos·Aug 15→
    ←NET25 Opinion