Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division si dating Speaker Martin Romualdez na dumalo sa kaniyang arraignment at pre-trial sa pamamagitan ng videoconferencing ngayong Miyerkules, Setyembre 16.
Matatandaang nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱7.2 bilyong kickback mula sa pondong inilaan para sa mga infrastructure project ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan, nananatili si Romualdez sa infirmary ward ng New Quezon City Jail sa Payatas matapos sabihin ng mga doktor na stable ang kaniyang kondisyon at hindi na niya kailangang manatili sa ospital.


