Magiging maulan ang panahon ngayong Miyerkules, Setyembre 16, sa Negros Island Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Masbate, Lanao del Sur, at Davao Oriental dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).
Habang ang natitirang parte ng Metro Manila at Luzon ay makararanas ng maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.


