Dumating na sa Department of Justice ang pormal na extradition request ng Estados Unidos para kay Apollo Quiboloy at dalawa pang respondent kaugnay ng mga kasong sex trafficking, visa fraud, at cash smuggling.
Ayon sa DOJ, sinusuri na nila ang detalye ng request bago ito ihain sa Regional Trial Court (RTC), kabilang ang pagkakakilanlan ni Quiboloy, kung may katumbas na krimen sa Pilipinas ang mga kaso laban sa kaniya, at kung walang death penalty na ipapataw.
Pinag-aaralan din ng ahensya kung itutuloy ang extradition case sa korte o ipagpapaliban muna ito habang hinihintay ang resulta ng mga kaso.




