BODEGA SA PASIG, NASUNOG!
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa isang bodega sa Brgy. Ilog, Pasig City na sumiklab kagabi, Agosto 13.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, kaninang alas-4 ng madaling araw tuluyang naapula ang sunog.
Ligtas naman ang anim na stay-in employee, kabilang ang gwardiya ng naturang bodega na may lamang tela at golf supplies.
Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at kabuuang pinsala nito. | via Jim Tejano



