Mag-English muna ako sa column ko ngayon kasi masakit sa tenga kapag tinagalog.
So now Marcoleta will be charged with plunder over his campaign contributions? Really?
Let us get this straight. Diumano, Marcoleta spent around P112 million on his Senate run while declaring a net worth of about P51 million and zero contributions. He says the roughly P75 million in donations came in before the campaign period. Now look at the pile they are throwing at him for it. Plunder, under Republic Act 7080. Violation of Presidential Decree 46, yung batas laban sa pagtanggap ng regalo ng isang public official. And not one, not two, but three counts of indirect bribery. Dagdag pa, isang precautionary hold departure order mula sa Sandiganbayan. Lahat ng iyan, para sa P75 milyong donasyon.
And here is the part everybody conveniently forgets. The COMELEC already cleared him. The poll body itself said the provision that would have made him liable was repealed pa noong 1991. Cleared na, plunder pa rin? For accepting a campaign donation?
And think about what plunder even means. Under Republic Act 7080, plunder is for a public officer who amasses at least P50 million in ill-gotten wealth. At ang ill-gotten wealth, malinaw sa batas, ay galing sa pondo ng bayan, sa kaban ng gobyerno, sa kickbacks at komisyon, sa pandarambong sa public treasury. A campaign donation is none of that. Pera yan ng pribadong tao, ibinigay sa isang kandidato.
So how does accepting a donation become plunder, unless they can prove the money was really stolen from the people's coffers, o ito ay suhol na may katumbas na pabor mula sa gobyerno? Yan ang dapat nilang patunayan. Hindi yung basta nakatanggap ka ng tulong sa kampanya, plunder ka na agad. But sige, hindi naman ako lawyer dahil na-research ko lang ito. Let’s leave that to the courts.
BUT, compare that with the flood control mess. Dito hindi na tayo nag-uusap ng milyon. We are talking about an alleged P56 billion. Billion, with a B. Ghost projects. Padded contracts. At yung tinaguriang “ex-Marines” na nagparada sa Senado. At ito, ito ang tunay na plunder. Wala nang pagtatalo, kasi sa kaban mismo ng bayan ninakaw.
So who is actually paying for the flood control billions? Si Jinggoy Estrada, naka-detain na sa Payatas. Si Bong Revilla, nakakulong na since February. Si Zaldy Co? May warrant, hinuli sa Prague, pero pinakawalan ng Czech Republic at ngayo'y nasa Europe pa diumano, at humihingi ng political asylum doon. Pero ang diumano'y utak ng lahat ng ito, si Martin Romualdez at ang kanyang mga kongresista, hindi man lang mapaupo sa isang Senate hearing.
Advertisement
Inimbitahan noong November. Ulit noong January. Pero wala, hindi dumalo. Even the committee chair himself admitted it is unlikely he will ever appear. Some get the handcuffs. Some simply vanish into Europe. And the biggest name of all does not even get a subpoena he cannot ignore.
And then look at two more names. Senator Joel Villanueva and Senator Chiz Escudero. Pareho silang tumalon sa kampo ng mayorya. Kay Villanueva, tila walang kasong umuusad sa flood control, kahit may mga grupong patuloy na humihiling na sampahan siya at nagbabala na hindi dapat maging free pass ang paglipat niya sa mayorya. Si Escudero naman, sa halip na maging akusado, siya pa ang hinihirang na manguna sa impeachment court ng Senado. Imagine that. Lumipat ka lang ng kampo, at parang nawala lahat ng problema.
At si Manuel Bonoan, ang dating Kalihim ng DPWH. Ginawang state witness. Wala nang kaso. State witness laban kanino? Gagamitin din ba siya laban sa mga sumisigaw ng totoo? Sino ang ikukulong? Wala?
So tell me this makes sense. P75 million in donations, cleared na ng COMELEC, and they are throwing plunder at one man. P56 billion in alleged plunder, and the supposed mastermind cannot even be bothered to sit down and answer a few questions. Isang tao hinahabol para sa milyong donasyon. Ang iba, hindi man lang naiimbitahang sagutin ang bilyon.
Garapalan na nga ba ngayon? Maliwanag pa sa sikat ng araw. Ginagawa tayong tanga. Are we robbed of our common sense in broad daylight? Pati ba naman ang common sense at intelihensiya natin, nanakawin pa rin?
Because that is exactly what they are feeding us. The selective outrage. The convenient timing. Ang buwaya kumakain sa harap mismo natin, habang ang maliit na isda ang ipinaparada sa kamera.
Naaalala niyo pa ba yung kanta ng Salbakuta, yung “S2pid Luv”? Noong 2002 tinatawanan lang natin yan, kanta-kanta tayong lahat, novelty lang. Pero ngayon, ang pinakamalakas na bersyon ng kantang yan ay hindi mo maririnig sa radyo. Ito yung kinakanta sa atin, sa taumbayan, araw-araw. Sine-serenade nila tayo ng katangahan, at umaasa pa din silang sasayaw tayo.
Hindi naman siguro ganun ka S2pid ang mga Pilipino. Nakakakita rin naman at nakakaramdam din naman tayo kung ano ang totoo. Magpapaloko rin ba tayo? Magpapakalunod na lang sa baha ng limot para tuluyang mawala sa usapin ang mga male-maletang ninakaw sa bayan?
Dahil kapag nanahimik na tayo at tatanggapin na lang natin ang lahat ng ito, totoo nga na nasa Planet of the Apes na tayo. Nauunggoy ka na rin ba?
Nakakakalbo na, nakakaunggoy pa ang mga balita ngayon.
And that is the bald truth here.



