Kinumpirma ng Australian Space Agency na ang anim na misteryosong metal na bola na inanod sa Forrest Beach, Queensland ay mga pressure vessel mula sa isang space launch vehicle.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng bahagi ang mga ito ng isang rocket na muling pumasok sa Earth's atmosphere.

Dahil sa pangambang maaaring may natitira itong nakalalasong rocket fuel, pansamantalang isinara ang lugar habang sinisiguro ang seguridad.

Patuloy pa ring inaalam ng mga eksperto kung saang bansa at launch vehicle nagmula ang space debris.
📸: RT News



